Sunday, October 26, 2008

Pagibig, hay pagibig




Bat nga ba pag nagmamahal ka at minamahal..


parang walang dahilan para hindi ka ngumiti.


parang ang bawat takot napapawi.


parang bawat sandali merong saysay.


parang walang katapusan ang pagasang lahat ng bagay ay umaayon.


parang kahit merong mga bumabangabag ay gumagaan kasi alam mong meron kang kaagapay.



Kung lahat ng nasa relasyon marunong lang umintindi at makinig ng lubusan para magtagpo sa gitna o kung saan mang posisyon na aayon sa isa't isang panig, wala sanang kagulumihan, maiiwasan ang nasasaktan, at mapapawi ang lahat na pangit. Naniniwala ako na sapat ang pagibig na pundasyon at ang ibang elemento tulad ng respeto, tiwala, suporta at pagtutulungan ay natural na susunod at sasabay sa daloy ng pagsasama. Kung ang isasa-isip lang lagi ang kapakanan ng mahal mo sa buhay at kung paanong gagaang ang buhay nya dahil andyan ka, ansaya ng mundo! Di ba. Kasi kung ano ang ibinibigay mo, siksik-liglig ang balik sa yo nun. Kaya ano ba ang gusto mong bumalik sa yo, sakit ng katawan, ulo at kasu-kasuan O pag-aaruga, pagkalinga at kaligayahan? Ikaw ang pumili. Walang taong biktima kundi ang taong nag-iisip na sya ay biktima.


Carry on :)




No comments:

Post a Comment