Sunday, March 8, 2009

Pwede

Di mo lang alam.. pero ang ngiting dulot ng pagibig mo ay mas hamak na higit pa sa nakuha ng larawang ito. Kulang ang kagandahan ng mga itsura nating yan kung ang mapupukaw sana ay ang mga damdaming umaapaw sa pagmamalasakit, pagpapahalaga at pagmamahal.. ginintuan.




Ikaw ang pinakamagandang aral sa nakalipas na limang buwan ng buhay ko. Marami man ang mga pangit na bagay na hiling ko di mo na lang nararanasan o maranasan pa, pero sa bawat pagsubok, naway damahin mo na kaagapay mo ako at sabay tayong sumulong sa hinaharap na puno ng pagasa at isa-isang kamtin ang mga ninanais ng puso natin.

Pero in fairness, bagay sa akin ang magpakagirlaloo. Di ba? :-)

2 comments:

  1. Bagay naman talaga..

    Ikaw kasi eh.. ayaw mo maniwala eh..

    lab kita.

    *hugsandkisses

    ReplyDelete
  2. *clap clap clap*

    puwedeng-puwede boss. astig.

    congrats sa inyong dalawa! keep the number going. :P

    ReplyDelete